Pananampalataya at Espiritwalidad

Hindi tinatanggal ng pananampalataya ang mga katanungan, Ngunit alam ng pananampalataya kung saan sila dadalhin. - Elisabeth Elliot

Ang Halaga ng Aking Pananampalataya sa Paglago ng Aking Pagkatao

Matagal nang sinasabi at tinuturo sa atin mula pagkabata na ang pagkakaroon ng matatag na pananampalataya sa Diyos ay isang katangiang hindi nating dapat kalimutan. Sa lahat na ating ginagawa sumasalamin ang ating pananampalataya, gaya ng ating pakikipagkapwa, pagmamahal, at mga prinsipyo natin sa buhay. Ang bawat isa sa atin ay may misyon sa buhay, at habang tayo ay nasa lakbaying ito, kasama natin lagi ang Diyos.

Maging ako rin ay lumaki na ganito ang natutunan, hanggang sa aking pag-aaral sa isang rehilyosong paaralan noong elementarya ay bihirang lumisan sa isipan ang pananampalataya. Kung naging parte na ito ng iyong kurikulum sa paaralan, sino naman ang makakaiwas dito? Ngunit hindi ko naman ito pinagsisisihan dahil malaki ang naitulong nito sa akin. Bagamat hindi na ako kasing rehilyoso tulad ng dati, masasabi kong nariyan parin ang aking espiritwalidad at malakas na paniniwala sa mga prinsipyo ko sa buhay. Sabi nga sa bibliya, kung mahal mo ang Diyos, susunod ka sa kanyang mga utos, at ang mga utos na ito ay mga pagkilos at pag-uugali ng pagiging mabuti. Dahil sa aking naging matibay na pananampalataya, nahubog ang aking pagkatao na ayon sa nararapat. Lumago pa ang aking pagkatao at mga paniniwala' t prinsipyo sa buhay, nagkaroon ng panghabam-buhay na layunin na papanindigan hanggang sa huli, at masayang inaantay ang susunod na araw upang harapin ang bagong kinabukasan.

Hindi naman sa sinasabi kong kailangan natin ng relihiyong paniniwalaan upang maging isang mabuting tao, ngunti isa lamang itong malinis at derechong gabay upang maging ganap na mabuting tao. Ang pagkakaroon ng matibay na paniniwala ang siyang magbibigay sa tao ng kanyang layunin sa buhay. Kung ito'y malakas, magiging natural na lang sa kanya ang pagkilos ng wasto. Hindi na niya kailangan magdalawang isip dahil alam na niya ang gagawin at pipiliin, at iyon ay ang tama.


five Faith GoalCasts

Mga Hakbang sa Pagpapalago ng Sariling Pananampalataya at Espiritwalidad


1. Magdasal. Una sa lahat ay humingi ng tulong sa Maykapal kung paano pa mas mapapalago ang sariling pananampalataya at espiritwalidad.

2. Magbasa ng bibliya o mga self-help books. Ang salita ng Diyos ang pinakamaaaring maging gabay mo sa pagdedesisyon, payo, at prinsipyo sa buhay. Kung hindi naman rehilyoso, kahit na mga self-help books na may mga paksang may kauganayan sa espiritwalidad.

3. Kilalanin ang sarili bago ito baguhin at palaguin. Ano ba ang kulang at kailangan pang paunlarin sa sarili? Sa ugali man, mga kinagawian, prinsipyo o pananampalataya, lahat ay ikonsidera upang makagawa ng hakbang patungo sa pagpapalago ng sarili.

4. Pakikipag-usap sa pamilya, kaibigan, o kakilala ng masinsinan. Maaring tungkol sa buhay, sa mga paniniwala at mga prinsipyo sa buhay, o mismong pananampalataya. Maglaan lang ng araw at oras na kung saan walang distorbo, at saka simulan ang usapan. Ang pakikipag-usap nito sa ibang tao ay makakatulong sa paglago at pagtibay ng ating espiritwalidad at pananampalataya dahil magkakaroon tayo ng karamay at kausap ukol sa mga malalim na bagay gaya nito.

5. Dumalo sa mga pagsamba, seminars o pagtitipon na tungkol sa pagpapalago ng sariling pagkatao. Ito ang pinakadirektang paraan ng pagpapalago ng sariling pananampalataya at espiritwalidad at hindi ka magkakamali dito. Ang pagtitipon at maramihang paggawa ng isang bagay sa isang lugar ay naguudyok sa tao na maimpluwensiyahan na gawin rin o sumunod sa karamihan (comformity). Minsan ay di nila namamalayan ay nakakasunod na pala sila. Dito maari nilang makuha ang impormasyon ng direkta at maaari pa silang makihalubilo sa ibang kasapi at naniniwala kung kaya't mas lalong titibay ang kanilang paniniwala.


made by alexa abichuela